- Arts and Literature
- Literary Classics : Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere & El Filibusterismo
- Poems
- Songs
- Mga Alamat (Legends)
- Mga Bugtong (Riddles)
- Mga Kuwentong-bayan (Folktales)
- Mga Pabula (Fables)
- Mga Parabula (Parables)
- Mga Salawikaing Pilipino (Filipino Proverbs)
- Mga Epiko (Epics)
- Sabayang Pagbigkas
- "Ako'y Isang Pilipino"
- "Ang Aking Bandila" ni Cirio H. Panganiban
- "Kay Dr. José Rizal" ni Josefina V. Cruz
- "Kayganda ng Daigdig"
- "Manuel L. Quezon" ni Josefina V. Cruz
- "Pagsisisi ng Isang Bilanggo" ni Cirio H. Panganiban
- "Pamana ng Lahi" ni Patrocinio V. Villafuerte
- "Pilipino: Isang Depinisyon" ni Ponciano Pineda
- "Tinig ng Bagong Pilipino" ni Nenita Papa
- "Wikang Filipino sa Pambansang Pagkakaisa"
- List of pseudonyms / pen names of Filipino writers
Sabayang Pagbigkas
Isa sa mabisang paraan ng paglinang ng pagpapahalaga sa isang tula ang Sabayang Pagbigkas. Bukod sa nadaramang pagpapahalaga sa isang kathang sining ay may ilan pang makabuluhang bunga ang sabayang pagbigkas para sa mga mag-aaral. Nagkakaroon ng malinaw na pagkaunawa ang mag-aaral sa tula. Nalilinang ang wastong pagbigkas ng tula na binibigyang-diin ang bahaging dapat bigyan ng diin. Naiiwasan din ang pagbigkas na himig paawit.
Ang sabayang pagbigkas ay isang masining na paraan ng pagbigkas ng isang tula. Sa pamamagitan ng timbang na pagsasanib-sanib ng mga tinig, nakalilikha ng indayog at aliw na wala ding pinag-iwan sa koro sa musika. Ang timbang na pagsasama-sama ng iba't-ibang tinig na malagom at malaki, katamtaman, at mataas at matinis, ang tila kaya'y pagsasagutan ng mga ito ay lumilikha ng aliw at indayog na humahantong sa isang masining na pagtatanghal. (ni Paz M. Belvez)
