- Arts and Literature
- Literary Classics : Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere & El Filibusterismo
- Poems
- Songs
- Mga Alamat (Legends)
- Ang Alamat ng Bukal ng Tiwi
- Ang Alamat ng Dama de Noche
- Ang Alamat ng Kamya
- Ang Alamat ng Kasoy
- Ang Alamat ng Lawa ng Bulusan
- Ang Alamat ng Makahiya
- Ang Saging at Unggoy, Saan Nagsimula?
- Ang Unang Sampaguita
- Kung bakit pulo-pulo ang Pilipinas
- Saan Nagmula ang Lawa ng Sampalok?
- Saan Nanggaling ang Araw, Buwan at mga Bituin?
- Saan nanggaling ang Punong Papaya?
- Mga Bugtong (Riddles)
- Mga Kuwentong-bayan (Folktales)
- Mga Pabula (Fables)
- Mga Parabula (Parables)
- Mga Salawikaing Pilipino (Filipino Proverbs)
- Mga Epiko (Epics)
- Sabayang Pagbigkas
- List of pseudonyms / pen names of Filipino writers
Ang Alamat ng Makahiya
Noong araw, may isang punong ligaw na tumutubo sa gubat. Ito ay napakaganda. Ang dahon nito ay pinung-pino. Ang bulaklak nito ay kulay lila na kikislap-kislap tulad ng mga bituin. Dahil dito, naging mapagmalaki ang punong ligaw.
Minsan, umulan nang malakas. Ang masipag na si Langgam na naghahakot ng inipong pagkain ay inabot ng ulan sa daan. Lumaki ang tubig kaya umakyat si Langgam sa pinakamalapit na halaman. Nagkataong ito pala ang punong ligaw.
Nagalit ang punong ligaw. Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang si Langgam. Inuga niya ang kanyang mga tangkay kaya nahulog sa tubig ang kaawa-awang si Langgam. Naawa si Alitaptap kay Langgam. Pumitas siya ng dahon at inianod sa tubig. Kumapit dito si Langgam at siya ay nasabit sa Punong Tubo. Pinatuloy siya ni Tubo at binigyan pa siya ng pagkain.
Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata, ang makatarungang pinuno ng hayop at halaman. Pinagkalooban niya ng gantimpala ang maawaing si Tubo at si Alitaptap. Binigyan ni Diwata ng ilaw si Alitaptap at ginawa niyang matamis ang Punong Tubo. Samantala pinarusahan ni Diwata ang palalo at mapagmalaking damong ligaw. Nawala ang taglay nitong bango at siniputan ng mga tinik ang kanyang katawan. Nahiya ang damong ligaw kaya itinitikom niya ang kanyang mga dahon tuwing ito'y masasaling. At mula noon, nakilala ang punong ligaw sa tawag na Makahiya.
Mensahe: May gantimpala ang tumutulong sa kapwa; Di pinagpapala ang paggawa ng masama.
