- Arts and Literature
- Literary Classics : Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere & El Filibusterismo
- Poems
- "A La Juventud Filipina" ni José Rizal
- "A las flores de Heidelberg" by José Rizal
- "Ang Tanglaw ng Bayan" ni José Rizal
- "Batas ng Kagitingan at Kabutihang Asal" (Dekalogo ni Manuel L. Quezon)
- "Decalogo" ni Apolinario Mabini
- "Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya" ni Hermenegildo Flores
- "Isang Bansa, Wika't Diwa" ni Herminia R. Salonga
- "Kartilya" ni Emilio Jacinto
- "Katapusang Hibik Ng Pilipinas" ni Andres Bonifacio
- "Me Piden Versos" by José Rizal
- "Mi Retiro" by José Rizal
- "Mi Ultimo Adiós" by Dr. José Rizal
- "Sa Aking mga Kababata" by José Rizal
- Songs
- Mga Alamat (Legends)
- Mga Bugtong (Riddles)
- Mga Kuwentong-bayan (Folktales)
- Mga Pabula (Fables)
- Mga Parabula (Parables)
- Mga Salawikaing Pilipino (Filipino Proverbs)
- Mga Epiko (Epics)
- Sabayang Pagbigkas
- List of pseudonyms / pen names of Filipino writers
"Decalogo"
ni Apolinario Mabini
Una. Ibigin mo ang Diyos at ang iyong puri nang lalo sa lahat ng bagay; ang Diyos ay siyang bukal ng buong katotohanan, ng buong lakas; ang paghahangad ng puri ang siya lamang makaakit sa iyo na huwag magbulaan, kungdi laging matuto sa katuwiran at magtaglay ng kasipagan.
Ikalawa. Sambahin mo ang Diyos sa paraang minamatuwid at minamarapat ng iyong bait at sariling kalooban, na kung tawagi'y konsensiya, sapagkat sa iyong konsensiya na sumisisi sa gawa mong masama at pumupuri sa magaling ay doon nangungusap ang iyong Diyos.
Ikatlo. Sanayin mo at dagdagan ang katutubong alam at talas ng isip na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pag-aaral at pagkasakit mo sa buong makakaya ang gawang kinahihiligan ng iyong loob, na huwag kang sisinsay kailanman sa daan ng magaling at katuwiran, nang mapasaiyo ang lahat ng bagay na dapat mong kailanganin at sa paraang ito'y makatulong ka sa ikasusulong ng kalahatan; kung gayo'y magaganap mo ang ipinatutungkol sa iyo ng Diyos sa buhay na ito, at kung ito'y maganap mo ay magkakapunan ka at kung may puri ka na'y ipatatanghal mo ang kaluwalhatian ng iyong Diyos.
Ikaapat. Ibigin mo ang iyong bayan o Inang Bayan na kaikalawa ng Diyos at ng iyong puri at higit sa iyong sarili, sapagka't siyang makaisa-isang Paraisong pinaglalagyan sa iyo ng Diyos sa buhay na ito, bugtong na pasunod sa iyong lahi, na kaisa-kaisang mamamana mo sa iyong mga pinagnuno at siya lamang pag-asa sa iyong inanak; dahil sa kanya'y humahawak ka ng buhay, pag-ibig at pag-aari, natatamo mo ang kaginhawahan, kapurihan at ang Diyos.
Ikalima. Pagsakitan mo ang kaginhawahan ng iyong bayan nang higit sa iyong sarili at pagpilitan mong siya'y pagharian ng kabaitan, ng katuwiran at ng kasipagan, sapagka't kung maginhawa siya'y pilit ding giginhawa ikaw at ang iyong kasambahay at kamag-anakan.
