"Aking Bituin" (O, Ilaw)

O, ilaw, sa gabing malamig
Wangis mo'y bituin sa langit.
O, tanglaw, sa gabing tahimik
Larawan mo, Neneng, nagbigay pasakit. Ay!

*Tindig at magbangon sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.
Buksan ang bintana at ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo ang tunay kong pagdaing.

(repeat from *)