- Arts and Literature
- Literary Classics : Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere & El Filibusterismo
- Poems
- Songs
- Mga Alamat (Legends)
- Mga Bugtong (Riddles)
- Mga Kuwentong-bayan (Folktales)
- Mga Pabula (Fables)
- Mga Parabula (Parables)
- Mga Salawikaing Pilipino (Filipino Proverbs)
- Mga Epiko (Epics)
- Sabayang Pagbigkas
- "Ako'y Isang Pilipino"
- "Ang Aking Bandila" ni Cirio H. Panganiban
- "Kay Dr. José Rizal" ni Josefina V. Cruz
- "Kayganda ng Daigdig"
- "Manuel L. Quezon" ni Josefina V. Cruz
- "Pagsisisi ng Isang Bilanggo" ni Cirio H. Panganiban
- "Pamana ng Lahi" ni Patrocinio V. Villafuerte
- "Pilipino: Isang Depinisyon" ni Ponciano Pineda
- "Tinig ng Bagong Pilipino" ni Nenita Papa
- "Wikang Filipino sa Pambansang Pagkakaisa"
- List of pseudonyms / pen names of Filipino writers
"Pamana ng Lahi"
ni Patrocinio V. Villafuerte
Di mo man sabihin, aking nababatid,
Ikaw'y naglalakbay sa Bagong Daigdig;
Paraisong dati'y hinanap, inibig,
Alaala na lang na di magbabalik
Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga,
Naglaho nang ganap ang pangungulila;
Hungkag na buhay mo'y mabigyan ng pag-asa,
Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.
Ngunit ang lipuna'y hindi nagwawakas,
Sa mga pangako at mga pangarap;
Damdaming dakila at diwang matalas,
Siyang magbubukas sa malayang pugad.
Pag-unlad ng bansa'y may hatid-pangako,
Na ang kalinanga'y dapat na mabuo;
Kulturang pambansa'y di dapat isuko,
Hayaang magbunga't mabusog sa puso.
Ngunit tila yata nalilimutan mo,
Mga kaugaliang buhay-Pilipino,
Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo,
Ay nasyonalismo'y mapapasaiyo.
Ang pagkakaisa'y pagbabayanihan,
Nag-usbong sa diwa't lahing makabayan,
Kung sasariwain at pagbabalikan,
Ang pagkakabuklod ay masisilayan.
Sa pistang-bayan masasaksihan mo,
May perya't pabitin saka palo-sebo,
At ang santakrusan ay pinagdarayo.
Sa mga tahana't pook na dakila,
Ang tanging biyaya'y moral na adhika;
Payo ng magulang ay banal na wika,
Sa mabuting anak ay buhay na nasa.
Ang lahat ng ito'y pamana ng lahi,
Gabay nitong bansa't dangal nitong lipi;
Kaya't magsikap ka, tuwa'y magbibinhi,
Ikaw'y Pilipinong dapat na maghari.
