- Arts and Literature
- Literary Classics : Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere & El Filibusterismo
- Poems
- Songs
- Mga Alamat (Legends)
- Mga Bugtong (Riddles)
- Mga Kuwentong-bayan (Folktales)
- Mga Pabula (Fables)
- Mga Parabula (Parables)
- Mga Salawikaing Pilipino (Filipino Proverbs)
- Mga Epiko (Epics)
- Sabayang Pagbigkas
- "Ako'y Isang Pilipino"
- "Ang Aking Bandila" ni Cirio H. Panganiban
- "Kay Dr. José Rizal" ni Josefina V. Cruz
- "Kayganda ng Daigdig"
- "Manuel L. Quezon" ni Josefina V. Cruz
- "Pagsisisi ng Isang Bilanggo" ni Cirio H. Panganiban
- "Pamana ng Lahi" ni Patrocinio V. Villafuerte
- "Pilipino: Isang Depinisyon" ni Ponciano Pineda
- "Tinig ng Bagong Pilipino" ni Nenita Papa
- "Wikang Filipino sa Pambansang Pagkakaisa"
- List of pseudonyms / pen names of Filipino writers
"Pilipino: Isang Depinisyon"
ni Ponciano Pineda
(High)
iyang waray laging waray
ang ilongo ay ilongo
mga muslim laging muslim
ibanag ay ibanag
zambal ay laging zambal
ang aklan ay aklan
(Babae - medium)
ang tagalog ay tagalog
kanya-kanya, tayu-tayo
masawi na ang sampangkat, malipol man ang
santribu
(Low, Medium, High)
huwag lamang tayo
huwag lamang ako
pagkat tayo'y ito
mga Pilipino
(All)
ang naamis ay nagbangon, lumaban, naghimagsik
(Lalaki)
kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib
bumagsak ang mapaniil / na nag-iwan ng bakas
kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad
kaya'y laya'y itinindig / sa kislap ng mga tabak
at sa awit nawagayway ang maningning na sagisag
(High & Low)
dapwat sasansaglit
pagsasarili ay inagaw ng malakas
dinagit ng dambuhalang diumano'y bagong mesiyas
diumano'y naparito upang noon ay iligtas
(All)
di gayon nga
autoridad ay naiba
napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema
ngunit 'yon din: ang dayuha'y panginoon
pilipino ang busabos, nakayuko, tagasunod
walang tutol
(Medium & High)
edukasyon popular: kinano ang sistema
umunlad, di nga kasi: pilipino ay dumunong
naging kano sa ugali, naging kano da damdamin
naging kano sa isipan, naging kano sa pagsulong
sadyang gayon ang katuwiran
masterin mo iyang wika't
ang kultura niyang wika'y ikaw iyang mamasterin
ang nangyari: ang produkto
nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo
di gradwadong makabansa, hindi-hindi pilipino
(All)
devide et impera
(Solo 1)
ilukano'y ilukano
(Solo 2)
kapampanga'y kapampangan
