Sa Mahal na Birhen Maria

ni Dr. José Rizal

(Tagalog version of “A La Virgen Maria”)

Ikaw na ligaya ng buong kinapal,
Mariang sakdal tamis na kapayapaan,
Bukal ng saklolong hindi naghuhumpay
Daloy ng biyayang walang pakasyahan.

Mula sa trono mong langit na mataas,
Ako'y marapating lawitan ng habag,
Ilukob ang iyong balabal ng lingap
Sa daing ng aking tinig na may pakpak.

Ikaw na ina ko, Mariang matimtiman,
Ikaw ang buhay ko at aking sandigan,
Sa maalong dagat, ikaw ang patnubay

Sa oras ng lalong masisidhing tukso.
At kung malapit na ang kamatayan ko,
Lumbay ko'y pawiin, saklolohan ako!