- Arts and Literature
- Literary Classics : Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere & El Filibusterismo
- Poems
- Songs
- Mga Alamat (Legends)
- Mga Bugtong (Riddles)
- Mga Kuwentong-bayan (Folktales)
- Mga Pabula (Fables)
- Mga Parabula (Parables)
- Mga Salawikaing Pilipino (Filipino Proverbs)
- Mga Epiko (Epics)
- Tagalog version
- Agyu (Epikong Manobo)
- Alim (Epiko ng mga Ifugao)
- Bantugan (Epikong Mindanao)
- Biag ni Lam-ang (Epikong Ilocano)
- Bidasari (Epikong Mindanao)
- Darangan (Epikong Maranao)
- Ibalon (Epikong Bicolano)
- Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)
- Labaw Donggon (Epikong Bisaya)
- Maragtas (Epikong Bisayas)
- Tuwaang (Epiko ng mga Bagobo)
- Bilingual (Tagalog-English) version
- Complete Text (in English): The Life of Lam-ang (An Iloko Epic)
- Tagalog version
- Sabayang Pagbigkas
- List of pseudonyms / pen names of Filipino writers
Tuwaang
(Epiko ng mga Bagobo)
Ang Tuwaang
, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na nagsasalaysay ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan. Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y humingi siya ng pasintabi sa hangin sa hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y nagmamadali.
Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay kaugalian ng mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang ay halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman, ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawa ng itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upang dito sabihin ang kanyang malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dlaga, subalit nais kunin ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy.
Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng Buhong ay dumating naman ang Binata ng Pangumanon. Walang taros na pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal at tauhan ni Batooy.

