Ibong Adarna - Page 24 of 47
(Original Text in Ancient Tagalog)
507. Ang sagót nang ermitaño
don Juan ay sabihin mo,
ang sadyá mo ay cun anó
nang iyong pagcaparito.
508. Isinagót ni don Juan
ganito po ay paquingán
ang sadyá co po at pacay
ang reino nang de los Cristal.
509. Anang matanda'i, ganitó
ang pagcatahan co rito,
nang aco'i, mag-ermitaño
ualóng daang taóng hustó.
510. Ay hindi co naalaman
cahariang de los Cristal,
anhin co'i, malayong lugar
ang sadyá mong linalacbay.
511. Tingnán cun sa aquing sacop
ibong naglipád sa bundóc,
cun canilang na aabot
yaong reinong cristalinos.
512. Sa pintua'i, lumapit na
campana'i, tinugtóg niya,
tanang ibo'i, capagdaca
nagcatipong para-para.
513. Anang ermitaño naman
sa inyong pag-liliparan,
di ninyó natatausán
ang reino nang de los Cristal.
514. Ang sagót ngani nang lahat
hindi namin natatatap,
at malayong di hamac
yaong cristalinong ciudad.
515. Umuling nag-uica siya
cung husto silang lahat na,
ay nagbilang capagdaca
uala ang ibong aguila.
516. Ay ano'i, caguin-guinsa
sa pag-uusapan nila,
siya nangang pagdating na
nang ibong haring águila.
517. Nang dumating ay pabagsác
sa pagod na dili hamac,
ang ermitaño'i, nangusap
sa laquing galit na hauac.
518. Na ang uica bagá niya
doon sa ibong águila,
baquit icao'i, nahulí pa
sa iyong manga familia.
519. Dili bagá iyong unaua
itong tunóg nang campana,
saan man naroong lupa,
ay oouí cayong biglá.
520. Sagót nang águila't saysay
panginoon naming mahal,
malayo pong pinagmulán
caya di nila casabáy.
521. Anang ermitaño naman
sabihin mo't, iyong turan,
ang pinagmulán mong lugar
at nang aquing maalaman.
522. Sagót nang águila't, sulit
ermitañong sacdal diquit,
pinangalingang cong tiquís
ang reinong del los Cristales.
523. Caninang umaga lamang
aco ay nag-aalmusál,
sa isang peras na mahal
na ang lasa'i, malinamnám.
524. Bahag-ya cong naringig nga
yaong tunóg nang campana,
ay lumipád acong biglá
capagala'i, di cauasa.
525. Ang sagót nang ermitaño
don Juan ay naringig mo,
at doon nangaling itó
sa reinong hinahanap mo.
526. Uica sa águila'i, ito:
ang príncipe ay dalhin mo,
isang buan sa banta co
doo'i, sasapit na cayó.
527. Isinagót nang águila
isang bua'i macucuha,
darating pong ualang sala
sa baño ni doña María.
528. Agad nangang nagpadaquip
niyong ibong maliliit,
siyang babauning tiquis
sa pagpanao at pag-alís.