Isang umaga, ang tupa ay naglalakad galing sa pastulang malapit sa libis ng bundok.  Siya ay nanginain doon ng sariwang damo.  Walang anu-ano’y nakarinig siya ng isang magandang tinig na buhat sa kung saan.  Dahil sa pananabik ay hinanap niya ang tinig na iyon.  Ang tinig ay buhat sa kuliglig.  Pinilit niyang hanapin ang kuliglig.

Noong unang panahon wala pang tinatawag na bansang Pilipinas.  Mayroon lamang na maliliit na pulo.  Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo, may nakatira ritong isang higante.  Ang kuweba niya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko.  Kasama niyang naninirahan ang kanyang tatlong anak na babae, sina Minda, Lus at Bisaya.

Nang ang Pilipinas ay sakop pa ng mga Kastila ay may mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo, Rizal.  Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay mabait, masipag, matulungin, at maka-Diyos.  Sa mahabang panahon nang kanilang pagsasama ay hindi sila agad nagkaanak.  Ganun pa man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalo na sa tulad nilang naghihirap, at sa mga may sakit.

Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castaño, batay sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong.  Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol.

Isang araw ang babaing maggagatas ay nagpunta sa palengke na may bote ng gatas sa kanyang ulo.  Maganda at mabuti ang panahon ng araw na iyon.  Habang siya ay naglalakad sa maruming lansangan, siya ay nagsimula ng mangarap kung ano ang kanyang gagawin sa perang mapagbibilihan niya ng gatas.

Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya at masigla.  Masaya at matalino rin siya.  Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.  Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.  Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising.  Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.

Sampung datu ang naglakbay patungo sa bagong lupain.  Umalis sila sa Borneo upang makaiwas sa kanilang pinuno na masyadong malupit. Pinamunuan ni Datu Puti ang pag-alis sa kaharian ni Sultan Makatunaw.  Isang gabi, sampung datu ang sakay ng balangay at naglakbay ng araw at gabi.  Matagal na silang naglalakbay ngunit panay dagat lamang ang kanilang natatanaw.  Unti-unti na silang nawawalan ng pag-asa.

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran.  Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya.  Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid.  Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan.  Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan.

Pages